Skip to Contents



Kasaysayan ng Kumpanya ng THK

Maikling balangkas ng kasaysayan ng THK, kabilang ang mahahalagang pangyayari at mga timeline ng produkto

'70
Pagkakatatag

Noong 1971, itinatag ang THK sa Meguro-ku, Tokyo, sa ilalim ng orihinal nito,  Toho Seiko Co., Ltd.

Pag-unlad ng "LM Guide"
LM Guide

LM Guide

Noong 1972, ang THK ang naging pinaka-unang kumpanya sa buong mundo na nakagawa ng paraan ng pagbibigay ng linear motion gamit ang rolling contact, at sinimulan ang pagggawa at pagbebenta sa resulta, ang Linear Motion (LM) Guide.


Pagkakatatag ng Planta sa Kofu sa Japan
Planta sa Kofu noong 1977

Planta sa Kofu noong 1977

Noong 1977, ang Planta sa Kofu ng THK, ang unang ganap na planta ng produksyon ng LM Guide, ay itinatag. Ito ang unang hakbang ng THK sa pagpapalawak sa mga pasilidad ng produksyon.


 
'80
Pagpapalawak sa aming mga base ng pamamahagi sa Estados Unidos at Germany
THK America,Inc.(USA)

THK America,Inc. (USA)

Sa paniniwalang "maitatawid sa mga hangganan ang magagandang teknolohiya, at gayundin ang kasiyahan sa mahusay na paggawa na inihahatid ng mga teknolohiyang ito," nagpasya kaming palawakin ang aming negosyo sa ibang bansa. Ang pagtatatag sa THK America Inc. sa Estados Unidos noong 1981 at ang pagtatatag sa THK Europe sa Germany noong sumunod na taon ang bumuo sa batayan ng aming pagpapalawak sa network ng international na sales.


Pagpapalawak sa mga base ng paggawa sa Japan
Planta sa Ymaguchi

Planta sa Yamaguchi

Upang matugunan ang mga lumalaking demand ng merkado, itinatag namin ang Planta sa Gifu sa Japan noong 1984. Itinatag din namin ang Planta sa Mie at ang Planta sa Yamaguchi sa Japan noong 1985 para sa higit na pagpapataas sa kakayahan ng aming paggawa


 
'90
Pinaka-una sa mundong pagbuo ng Caged Ball ng Mga LM Guide
Caged Ball ng LM Guide

Caged Ball ng LM Guide

Noong 1996, binuo ng THK ang "Caged Ball ng Mga LM Guide", na nag-aalok ng malaking pagganda ng pagganap sa mga karaniwang produkto. Bilang mga produktong makatao at makakalikasan, ang Caged Ball ng Mga LM Guide ay mayroong sumusunod na natatanging tampok:

  • Mahabang buhay ng serbisyo na may mas kaunting mga pangangailangan sa pagpapanatili 
  • Mahinang emisyon ng tunog at acoustics
  • Napakabilis na pagtakbo
  • Kaunting emisyon ng alikabok
  • Napakaayos na pagtakbo

Pagpapalawak ng mga base ng paggawa sa ibang bansa
THK Manufacturing of Europe(France)

THK Manufacturing of Europe (France)

Upang matugunan ang mga lumalaking demand mula sa mga merkado sa buong mundo, itinatag namin ang THK Manufacturing of America sa Estados Unidos at, noong 2000, ang THK Manufacturing of Europe sa France. Pinalawak namin ang globalisasyon ng kakayahan sa paggawa upang mabilis na matugunan ang mga lokal na pangangailangan.


 
2000
Nakalista sa Unang Seksyon ng Tokyo Stock Exchange noong Pebrero 2001.
Graph ng Sales ng THK

Graph ng sales ng THK.(Milyun-milyong Yen)


Tetra-lateral system ng buong mundo (Japan, Europe, America at Asia)
Isang karatula sa Shang-hai(China)

THK Manufacturing of China (Wuxi) Co., Ltd

Upang matugunan ang mga demand ng mabilis na lumalagong merkado ng China, itinatag namin ang THK Shanghai Co., Ltd. bilang base ng sales noong 2003. Pagkatapos noong 2005, itinatag namin ang THK Manufacturing of China (Wuxi) Co., Ltd. at ang THK Manufacturing of China (Liaoning) Co., Ltd. bilang mga planta ng paggawa. Mayroon na kami ngayong mga base ng paggawa at sales sa isang tetra-lateral system: Japan, Europe, America at Asia.